Umakyat na sa 414.3 billion pesos ang halaga ng investment project na inaprubahan ng Department of Trade and Industry o DTI – Bureau of Investments hanggang nitong February 9.
Bunsod nito ay ikinalugod ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ito ay nakamit ng administrasyon sa loob lamang ng unang anim na linggo ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Pangulong Marcos, dahil dito ay malapit nang maabot ng gobyerno ang target nito na makapag-apruba ng Php1 trillion na kabuuang halaga ng investment projects ngayong 2023.
Masaya si Pangulong Marcos dahil kaunting panahon na lamang ay madadama na natin ang magandang epekto ng mga pamumuhunang ito sa ekonomiya.
Facebook Comments