Umabot na sa P518.48 million ang halaga ng assets at properties na kumakatawan sa mga natuklsang iligal na aktibidad ng droga ang isinailalim sa civil forfeiture at freeze order.
Ito’y mula 2022 hanggang 2024.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, kabilang sa na-forfeit pabor sa gobyerno ang ₱4,039,080.00 na halaga ng mga parsela ng lupa, mga sasakyan at mga baril na pag-aari ng mga drug money launderer.
Na-freeze rin ang cash sa mga bank account, sasakyan at mga kapirasong lupa na nagkakahalaga ng ₱514,441,734.39.
Mula ang mga ito sa 28 money laundering cases na isinampa ng PDEA sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para sa financial investigation, at 41 na kasong isinampa sa Department of Justice (DOJ) .
Facebook Comments