
Umakyat pa ang halaga ng mga pera at ari-arian na isinailalim sa freeze order kaugnay sa iregularidad sa flood control projects.
Kasunod ito ng pag-apruba ng Court of Appeals sa ikaaapat na freeze order laban sa mga indibidwal at kumpanyang dawit sa anomalya.
Nitong Biyernes, karagdagang 57 bank accounts, 10 real properties, at 9 na sasakyan ang nadagdag sa mga inilagay sa freeze order.
Ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), layon nitong palagiwin pa ang saklaw ng kanilang imbestigasyon.
Sa ngayon, mahigit apat na bilyong piso na ang halaga ng assets na hindi na maaaring galawin at inaasahang madaragdagan pa ito sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.
Katumbas ito ng 1,620 bank accounts, 54 insurance policies, 163 sasakyan, 40 real properties at 12 na e-wallet accounts.









