Halaga ng mga narerekober na “floating cocaine” sa bansa, umabot na sa higit P1-B

Umabot na sa higit 1.2 billion pesos na halaga ng cocaine ang nakumpiska ng mga awtoridad na palutang-lutang sa mga baybayin ng Mindanao at Luzon.

Ayon kay PNP spokesperson, Police Colonel Bernard Banac – katumbas nito ang 228 kilo ng cocaine na narekober mula nitong Pebrero.

Karamihan sa mga cocaine bricks ay mula sa Mindanao, lalo na sa Surigao Provinces at Dinagat Island.


Sa ngayon, nasa 15 na kaso ng mga nakalutang na kontrabando ang naitala ng PNP.

Nasa kustodiya na ng PNP Crime Laboratory ang mga cocaine bricks.

Facebook Comments