Umabot sa P60 million ang halaga ng mga sinirang equipment ng China Coast Guard (CCG) sa rotation and resupply mission ng bansa sa Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong June 17.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., sumulat na siya kay Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., para maiparating sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanilang concern.
Ani Brawner ang DFA ang syang mag-reach out sa China kaugnay ng demand ng AFP na ibalik ang kanilang mga kinumpiskang armas at bayaran ang mga sinirang kagamitan.
Sa kabuuan, pitong disassembled firearms ang kinumpiska ng CCG habang ilang rigid hull infltable boats din ang kanilnag sinira.
Sinabi pa ni Brawner na pagbabayarin din nila ng danyos ang China dahil sa pagkaputol ng daliri ng isang sundalo dahil sa kanilang “most aggressive action” sa West Philippine Sea (WPS).