Tinatayang aabot sa P58 million ang halaga ng naging danyos ng nagdaang bagyong Quinta.
Ilan sa mga napinsala ay ang mga tulay at mga kalsada sa mga lalawìgan na dinaan ng bagyo.
Sa initial assessment ng Department of Public Works and Highways (DPWH), pinaka-nasira ng bagyo ay ang mga national road at tulay sa Region 2 na tinatayang aabot sa P30 million.
Nasa P20 million naman ang danyos sa Region 4-A, habang sa Region 5 ay umabot sa P8 million ang halaga ng nasirang mga tulay at kalsada.
Unang inayos ng DPWH Quick Response Team, ang mga kalsada sa Cordillera Administrative Region, Regions 2 at 3, Region 4-A at Region 10.
Hindi pa rin naman madaanan ang ilang bahagi ng Region 4-A gayundin ang ilang bahagi ng Misamis Oriental, Bukidnon-Agusan Road at Siloo-Bridge sa Barangay San Luis sa Malitbog, Bukidnon.
Nilinaw naman ni DPWH Secretary Mark Villar na naaayos at nalinis na ang karamihan sa mga obstruction sa mga kalsada at tulay sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Quinta.