Umabot na sa P1.8 bilyon ang naipalabas na tulong-pinansiyal para sa mga empleyadong nagtatrabaho sa sektor ng turismo.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, kabilang sa mga nabigyan ang nasa 367,328 manggagawa kung saan nagkakahalaga ng P1.8 billion ang ipinadaang pondo sa pamamagitan ng iba’t ibang payment centers.
May natitira namang 203,334 aprubadong aplikante na naghihintay na lamang sa ibinigay na tulong-pinansiyal na nagkakahala ng P1.1 bilyong piso.
Ang tulong pinansiyal ay aprubado ng DOT at ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan nasa 575,919 tourism workers ang natulungan.
Sa ngayon, magsasagawa na rin ng survey ang DOT para sa manggagawa ng sektor ng turismo na handang magpabakuna kontra COVID-19.