Halaga ng naipamahaging ECQ Ayuda sa Pasig City, mahigit P100-M na

Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na umabot na sa P107.09 milyon ang naipamahagi nito na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ayuda.

Ayon kay Sotto, ito ay batay sa tala nila noong Sabado, august 14, 2021.

Ngayong araw ay tuluy-tuloy pa rin aniya ang house-to-house na pamamagi ng nasabing ayuda kasabay ng pamamahagi rin ng food packs at COVID-19 profiling form.


Nagpasalamat naman si Sotto sa mga kawani ng pamahalaang lungsod dahil sa tulong ibinibigay upang maihatid ang mga nasabing ayuda.

Aniya, kailangan marami ang ide-deploy sa mga barangay ng lungsod upang mapabilis at maayos na maipamahagi ang ayuda sa expanded pockets of poverty ng lungsod.

Sinabi pa ng alkalde na makikita ang karagdagang listahan para sa ayuda sa official Facebook account ng Pasig City Government.

Ang Pasig City ay meron mahigit P650.8 milyon halaga para sa ECQ cash aid, na kalaunan dinangdagan ng P30 milyon.

Facebook Comments