Halaga ng naipautang sa MSMEs mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic, aabot na sa P5.2-B, ayon sa DTI

Aabot sa P5.2 billion na halaga ng loan ang naipamahagi sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nasa 33,200 na loan applications ang inaprubahan ng kanilang small business corporation.

Dagdag pa ni Lopez, sa ngayon ay nakatanggap pa sila na ₱2.4 billion na dagdag pondo at gagamitin ito sa pagpapatuloy ng programa.


Kabilang sa mga naapektuhan ng pandemya ang sektor ng turismo, transportasyon, entertainment, retail at iba pang non-essential.

Facebook Comments