Halaga ng nalugi sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic, umabot sa higit tatlong trilyong piso

Umabot sa tatlong trilyong piso ang nawalang kita sa ekonomiya ng Pilipinas sa loob ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, kung hindi tumama ang pandemya ay nasa 25.3 trillion na sana ang ating ekonomiya ngayong taon.

1.3 trillion aniya sa nawala ang tinatawag na household income o yung kikitain sana ng mga Pilipino sa kanilang pagtatrabaho habang 2.2 trillion naman ang corporate income o kinita ng mga negosyo.


Bukod diyan, 300 billion din ang nawala sa indirect taxes na kinakailangang mabawi lalo na ngayong nasa Alert Level 1 na ang National Capital Region at iba pang lugar sa bansa.

Samantala, sinabi naman Chua na malapit na nating maabot ngayon ang pre-pandemic level pagdating sa unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.

Facebook Comments