Umabot na sa mahigit P1.12 billion ang halaga ng napinsala ng Bagyong Jolina sa Pilipinas.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit P1 billion ang naitalang pinsala sa agrikultura sa mga rehiyon ng Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western at Eastern Visayas.
Nasa mahigit P63 million naman ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region at Western Visayas.
Sa ngayon, umabot na sa 19 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Jolina.
24 ang nasugatan at nananatili sa 5 ang nawawala.
Facebook Comments