Manila, Philippines – Ayon kay committee on ways and means Chairman Senator Sonny Angara, pag-aaralan pa nilang mabuti ang nararapat na halaga na dapat idagdag sa sin tax.
Dito sa Senado ay 60-pesos ang isinusulong ni Senator Manny Pacquiao na buwis sa kada pakete ng sigarilyo, 70-pesos naman ang giit ni Senator Win Gatchalian habang P90 naman ang nais ni Senator JV Ejercito.
Sabi ni Senator Angara, magsasagawa pa sila ng isang pagdinig sa Lunes para kumpletuhin ang mga datus na kailangan lalo na ang detalye o plano ng Department of Health (DOJ) kaugnay sa Universal Health Care.
Sa pagdinig ay ipinaliwanag ni Health Secretary Francisco Duque na napakababa ng buwis sa tobacco products dito sa Pilipinas kaya mura din ang presyo ng ating sigarilyo kumpara sa mga karatig-bansa.
Ayon kay Duque, kapag naitaas ang buwis sa sigarilyo ay masasalba ang buhay ng 713,000 na naniniragarilyo at magpapahinto sa nabanggit na bisyo ang 3.2-milyon Pilipino kung saan kikita pa ang pamahalaan.
Mariin namang kinontra ni Isabela Vice Gov. ang panukala sa pagsasabing labis na maaapektuhan nito ang industriya ng tobacco at mga magsasaka nito dahil siguradong uunti na ang bibili ng sigarilyo kapat tumaas ang presyo at buwis na ipinapataw dito.