Halaga ng nasirang pananim dahil sa bagyong Ursula, nadagdagan pa!

Sumipa na sa Php 782.97M ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyong Ursula sa agrikultura  sa Western at Eastern Visayas.

Sa inisyal na datos na inilabas ng Department of Agriculture, abot sa 6,655 metric tons ng palay,mais at high value crops ang nasalanta at nasa 56,179 ang mga magsasakang naapektuhan.

Kasalukuyan na ang validation ng mga Regional offices para madetemina ang popondohang rehabilitasyon para sa mga sakahan at palaisdaang winasak ng bagyo.


Nakahanda na ang 60 million pesos para sa Survival Recovery Program sa ilalim ng Agricultural Credit Policy Council habang nakahanda na rin ang pondo ng Philippine Crop Insurance Corporation para bayaran ang mga nasirang pananim.

Facebook Comments