Umabot na sa mahigit ₱5.6 bilyon ang nasirang pasilidad at kagamitan ng Department of Education (DepEd) matapos ang pananalasa ng Bagyong Rolly at Ulysses.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ₱4.895 bilyon ang napinsala ng Bagyong Rolly habang ₱800 milyon nitong Bagyong Ulysses.
Kabilang sa mga nasira ng dalawang bagyo ay mga school laboratories, libraries, gadgets at iba pang kagamitan sa mga paaralan.
Gayunpaman, patuloy pang biniberipika ng DepEd ang mga naturang bilang.
Sa ngayon, nasa 345 paaralan o 1,370 classrooms ang ginagamit na evacuation centers ng mahigit 8,800 pamilya na inilikas dahil sa Bagyong Rolly at Ulysses.
Facebook Comments