Nakapagtala na ng inisyal na ₱12.34 milyon na pinsala sa sektor ng agrikultura ang Department of Agriculture dulot ng Bagyong Amang.
Batay sa initial assessment ng DA-Regional Field Office 5, kabilang sa mga nasirang pananim ay mga palay, high value crops, at livestock sa Camarines Sur at Sorsogon.
May 1,324 magsasaka ang naapektuhan kung saan nasa 1,096.6 na ektaryang agricultural areas ang nasira.
Abot sa kabuuang 663.9 metric tons ng produksyon ang hindi na mapakinabangan.
Bukod dito nagsasagawa na rin ng assessment ang regional field offices ng DA sa epekto ng bagyo sa sektor ng pangisdaan.
Tinitiyak naman ng DA na bukod sa Quick Response Fund pagaganahin nito ang Survival and Recovery o Sure Assistance Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) para matulungang makarekober ang mga magsasaka na apektado ng bagyo.