Umaabot na ngayon sa P23.4 million ang halaga ng iniwang pinsala sa imprastraktura ng Bagyong Karding.
Sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula sa Ilocos Region, Mimaropa, Bicol Region at Cordillera Administrative Region ang mga napinsalang imprastraktura.
Nasa 20,628 kabahayan ang nasira ng bagyo, kung saan 18,110 ang partially damaged at 2,518 ang totally damaged.
Sa ngayon, nasa 35 lungsod at munisipalidad na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng bagyo.
Samantala, nakapag-abot na ng tulong na nagkakahalaga ng mahigit P14.6-M ang pamahalaan sa mga apektadong residente.
Facebook Comments