Sumampa pa sa P2.6 billion ang napinsala sa sektor ng agrikultura matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.
Batay sa Department of Agriculture (DA), aabot sa 34,747 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo mula Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, at Caraga.
Naitala naman ang 87,640 metric tons (MT) production loss habang nasa 60,451 hektarya ng agricultural areas ang napinsala.
Kabilang sa mga nasirang pananim ay mga palay, mais, high value crops, livestock, at fisheries.
Nasira rin ang ilang agricultural infrastructures, machineries at equipment.
Facebook Comments