Halaga ng pinsala ng Bagyong Odette sa Western Visayas, lumobo na sa P2.26 bilyon

Lumobo pa sa P2.26 bilyon ang pinsalang idinulot ng Bagyong Odette sa Western Visayas.

Batay sa tala ng Western Visayas Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (Western Visayas RDRRMC), nangunguna sa napinsala ay ang sektor ng pangingisda na aabot sa P1.19 bilyon.

Sinundan ito ng industriya ng bigas kung saan nasa mahigit P1 bilyong ang naitalang napinsala.


Samantala, aabot sa P9.8 milyong ang nasira ng bagyo sa imprastruktura ng Western Visayas batay sa datos ng Department of Public Works and Highways (DPWH-6).

Nasa 33 katao ang nasawi sa Western Visayas dahil sa bagyo kung saan 19 ang nawawala.

Facebook Comments