Halaga ng pinsala ng lindol sa Leyte, pumalo na sa 51.7 million pesos

Manila, Philippines – Aabot na sa mahigit 51.7 million pesos na ang naitatalang halaga ng pinsala sa lalawigan ng leyte dahil sa naranasang magnitude 6.5 na lindol nitong nakalipas na linggo.

Ito ay batay sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, nasa 1 libo at 7 daang kabahayan ang napinsala ng pagyanig.

Higit 7 daang bahay sa bilang na ito, ang tuluyang winasak ng lindol.


Maliban sa gumuhong gusali, nagkabitak bitak na classrooms at natumbang tore ng kuryente may 14 na kalsada at 10 tulay rin ang nagtamo ng pinsala pero nadadaanan na naman na ngayon ng mga motorist.

Kaugnay nito, umakyat na rin sa 329 ang mga nasugatan dahil sa lindol habang nasa 9 na libong indbidwal naman ang mga nagsilikas.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Photo from: phivolcs_dost

Facebook Comments