Halaga ng pinsala ng mga bagyo at habagat sa sektor ng agrikultura, umakyat nasa ₱3-B

Pumalo na sa tatlong bilyong piso ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng pinagsamang epekto ng habagat at mga Bagyong Crising, Dante at Emong.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center, nasa 93,070 na magsasaka at mangingisda ang apektado.

Habag nasa 74,280 metric tons ang laki ng production loss, at 93,258 hectares naman ang naapektuhang agricultural areas.

Pinaka-malaki ang nasirang produksyon sa palay, na sa P1.69 billion at nasa 87,803 hectares.

Tiniyak naman ng DA na may mga tulong na sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda.

Kabilang dito ang nasa P653 million na halaga ng agri inputs; lagpas 51,000 na bags ng rice stocks mula sa National Food Authority o NFA; at Quick Response Fund para sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga nasalanta.

Mayroon ding P400 million para sa SURE Loan Program, at P478 million para sa indemnification ng higit 61,000 na magsasaka.

Facebook Comments