Lumobo pa sa Php 2.71-B ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Ulysses sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Sa virtual presser sa Department of Agriculture, sinabi ni Assistant Secretary Noel Reyes na katumbas ito ng 116,720 metric tons ng pananim na palay, mais at high value crops na nasira.
Nasa 106,540 na magsasaka na mayroong 223,772 hectares ng lupang sakahan ang apektado.
Pinakamatinding nagtamo ng pinsala ang palayan na umabot sa 1.18-B, sinusundan ito ng pananim na mais na nasa Php134.39-M.
Abot naman sa Php585-M ang nasira sa sektor ng pangisdaan.
Habang naitala sa 789.46-M naman ang nawasak na mga high value crops.
18.57 pesos naman ang pinsalang tinamo ng livestock at poultry.
Naglaan na ang DA ng Php 846-M na ayuda mula sa Quick Reaction Fund
para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar sa lalawigan ng Cagayan.