Umakyat na sa P6.72 billion ang halaga ng pinsalang tinamo sa agri-fishery sector dahil sa paghagupit ng Bagyong Ulysses.
Ito’y matapos na inilabas ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Office ang final bulletin nito batay sa mga datos na nakuha mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Zamboanga Peninsula.
Ang pinsala ay katumbas ng 226,708 metric tons (MT) na volume ng production cost mula sa kalamidad.
Nasira ang aabot sa 334,533 hektarya na agricultural areas at apektado ang 167,885 na magsasaka at mangingisda.
Pinakamatinding nagtamo ng pinsala ang palayan na umabot sa 35% damages o katumbas ng P2.37 billion.
Nasira rin ang mga gulay, pangisdaan, mais, niyugan at livestock.
Kasama ring napinsala ang mga small-scale irrigation systems, agri-facilities, machineries at equipment.
Ayon sa DA, nakapagpalabas na sila ng P8.5 billion para ayudahan ang mga nasalantang magsasaka at mangingisda.