Halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa Habagat, umabot sa P533-M

44

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na umabot sa P533.54 million ang halaga ng pinsala na dulot ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Fabian nitong nakaraang linggo.

Ayon sa Risk Reduction and Management Operations Center, higit 22,000 na magsasaka mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at Western Visayas ang naapektuhan ng ilang araw na pag-uulan.


Samantala, tinatayang aabot sa 254,918 na indibidwal ang apektado habang tatlong katao ang nasawi mula sa hagupit ng pinalakas na hanging Habagat.

Facebook Comments