Halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa patuloy na pag-ulan, umabot na sa halos P700-M

Umabot na sa P698.76 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng patuloy na pag-ulan.

Sa huling datos ng Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRM), higit 26,932 na magsasaka at mangingisda ang nawalan ng aabot sa 14,175 metric tons na agricultural production.

Partikular na naapektuhan ang 33,971 hektaryang taniman sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Western Visayas.


Namahagi naman ang Departament of Agriculture (DA) ng mga bag ng rice at corn seeds at iba pang gulay para makapag-umpisa muli ang mga magsasaka.

Facebook Comments