Sumampa na sa P12.7 billion ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng Bagyong Odette batay sa huling tala ng Department of Agriculture Disaster Risk Reduction Management Office o DA-DRRMO operations center.
Particular ito sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN at Caraga.
Mahigit 267,809 metric tons ng produksyon ang nasira dahil sa bagyo matapos mapinsala ang nasa 443,419 hectares ng agricultural areas.
Kabilang sa mga napinsala ay ang palayan, maisan, high value crops at iba pang pananim, palaisdaan at livestock.
Aabot naman sa 396,585 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.
Aabot na sa P2.9-B ang available assistance na nakahandang ipagkaloob ng kagawaran para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.