Halaga ng pinsala sa agrikultura ng Bagyong Odette, umabot na sa Php 333.4-M

Aabot sa Php 333.4-M ang halaga ng ektarya ng pananim ang maaring maapektuhan ng Bagyong Odette.

Batay sa pumapasok na ulat mula sa mga Disaster Risk Reduction and Management

Operations Center ng Department of Agriculture DRRMO-DA mula sa CALABARZON, Bicol, Central at Eastern Visayas at Central Mindanao, Davao at Caraga, aabot sa 23,198 na agricultural areas ang nasira.


Abot naman sa 12,750 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan kung saan abot sa 19,640 metric tons ng produksyong pansakahan ang napinsala.

Kabilang sa production loss ay mga pananim tulad ng palay, mais, high value crops, livestock at poultry sa nabanggit na mga rehiyon.

Facebook Comments