Umakyat na sa ₱3.8 bilyon ang halaga ng iniwang pinsala sa agri-fishery sector ng Bagyong Ulysses.
Sa isinagawang 57th virtual presser ng Department of Agriculture, sinabi ni Assistant Secretary Noel Reyes na naitala ang pinsala sa Cordillera Autonomous Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region kung saan apektado ang 104,733 na magsasaka at mangingisda at 104,733 ektarya ng agricultural areas.
Nasa 160,873 metriko tonelada naman ang mga nasirang pananim ng palay, mais at high value crops.
Ayon kay Ms. Malyn Guinto ng Agricultural Credit Policy Council, naisumite na ang listahan ng mga apektadong magsasaka at mangingisda na inendorso na mabigyan ng pautang.
Ayon naman kay Ed Luzano ng Land Bank of the Philippines, pinadali na nila ang proseso, para madaling maka-avail ng pautang ang mga magsasaka sa ilalim ng SURE Aid program.