Halaga ng pinsala sa agrikultura ng Bagyong Ulysses, umabot na sa P969.8-M

Umakyat na sa mahigit P969.8 milyon ang napinsala ng Bagyong Ulysses sa sektor ng agrikultura.

Sa inisyal na datos ng Department of Agriculture (DA), naitala ang pinsala sa Cordillera Autonomous Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON and Bicol Region kung saan apektado ang 40,519 na mga magsasaka at 51,241 hektarya ng agricultural areas.

Nasa 58,897 metriko tonelada naman ang mga nasirang pananim ng palay, mais at high value crops.


Ayon sa DA, naisalba ang abot sa 69,716 hektarya ng palay mula sa CAR, Region 2, 3 at 4-A na katumbas ang 341,812 metric tons at nagkakahalaga ng P5.48 bilyon dahil sa maagang impormasyon tungkol sa bagyo.

Sinisikap na ngayon ng DA na agad makapaghatid ng ayuda sa mga apektadong magsasaka.

Facebook Comments