Halaga ng pinsala sa agrikultura ng El Niño phenomenon, pumalo na sa P9.8-M

Pumalo na sa Php9.8-M ang halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng epekto ng El Niño phenomenon

Ayon sa Department of Agriculture (DA), katumbas ito ng 441,801 metric tons ng kabuuang produksiyon ng agrikultura ang napinsala kung saan nasa 170,469 na ektarya ng taniman ang naapektuhan.

Nasa 183,455 naman na mga magsasaka at mangingisda ang apektado ang kanilang hanapbuhay bunsod ng El Niño.


Gayunman, ipinaliwanag ng DA na aabot lang umano sa 2 percent o 191,233 metric tons ng produksiyon ng palay ang napinsala mula sa target na 9.2-M metric tons na inaasahang produksiyon.

Samantala, aabot naman sa 4.20 percent ng 4.4-M metric tons ng mais na target na produksiyon ng bansa ngayong taon.

Tuloy-tuloy naman ang tulong na ipinagkakaloob ng DA sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda dahil sa El Niño.

Facebook Comments