Umakyat na sa ₱32 million ang halaga ng pinsala sa distribution facilities ng mga electric cooperative na sinira ni Bagyong Rolly.
Base sa ulat ng National Electrification Administration (NEA) – Disaster Risk Reduction and Management Department, wala pa ring suplay ng kuryente ang lalawigan ng Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay at Sorsogon dahil bagsak pa rin ang transmission lines sa Bicol region.
Sa ulat pa rin ng NEA, naibalik na partially ang suplay ng kuryente sa ilang bayan sa Ticao Island sa Masbate.
Sa CALABARZON, natapos na rin ng QUEZELCO 2 ang restoration ng power service sa lahat ng lugar na nawalan din ng kuryente habang ongoing pa ang restoration works ng QUEZELCO 1 sa mga areas na sakop nito.
99.66% naman ng mga kabahayan sa lalawigan ng Batangas ang nagkaroon na ng suplay ng elektrisidad na sineserbisyuhan ng FLECO o First Laguna Electric Cooperative habang 98.45% naman ng power service ang naibalik na ng Batangas Electric Cooperative o BATELEC 1 at 91.87% sa BATELEC 2.
Ang MIMAROPA na sineserbisyuhan ng ROMELCO o Romblon Electric Cooperative ay 83.90% na ang power restored at 35.62% naman ang sa Marinduque Electric Cooperative.
Nasa 99.37% na rin ang power restored sa Eastern Visayas habang sa Samar ay 97.01%.