Halaga ng pinsala sa sektor ng agricultural dulot ng El Niño, umakyat na sa Php2.6 billion ayon sa DA

Pumalo na sa Php 2.6 billion ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng epekto ng El Niño.

Ayon kay Departrment of Agriculture (DA) spokesperson Asec. Arnel De Mesa, pinakamatinding nagtamo ng pinsala ang pananim na palay na umabot sa Php1.7 billion ang halaga ng pinsala.

Sinusundan ito ng pananim na mais na nasa Php591 million ang nasira.


Nasa Php326 million naman ang halaga ng pinsala sa mga high value crops.

Nasa Php 59,600 naman ang nasira sa livestock at poultry.

Sampu sa labing anim na rehiyon sa bansa ang matinding napinsala ng matinding tagtuyot.

Kinabibilangan ito ng Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 1, 2 at 3, CALABARZON region, MIMAROPA, Regions 5, 6, 9 at 12.

Pinakamatinding napinsala ang sektor ng agrikultura sa MIMAROPA na naitala sa Php 770-M at Region 6 na nasa Php 739-M ang halaga ng pinsala.

Nasa 34,264 na ektarya na tinamnan ng palay ang nasira.

25 thousand hectares dito ay marerekober pa 9,300 hectares naman ang di na maisasalba na kumakatawan sa 20 percent ng halos nasa 1-M hectares na kabuuang natamnan ng palay.

Facebook Comments