Halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa Bagyong Aghon, umabot na sa P57.5 milyon – DA

Umabot na sa P57.5 milyong ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura at pangisdaan ng pananalasa ng Bagyong Aghon.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), kabilang sa mga napinsala ay ang 1,995 metriko toneladang palay, mais at high value crops, at 165 na mga hayop sa CALABARZON at MIMAROPA.

Nasira rin ang mga pasilidad pang-agrikultura sa CALABARZON na nagkakahalaga ng P965,000.


Kaugnay nito, naglaan ang DA ng P23 milyong halaga ng tulong sa mahigit 1,000 mga magsasaka sa mga apektadong rehiyon.

Kabilang sa mga tulong na ibibigay ng DA ang mga binhi, planting materials, bio-control measures, SURE Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC), at Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Facebook Comments