Umaabot na sa ₱315 milyon halaga ng pinsala dahil sa shear line.
Kabilang sa mga naapektuhan ay ang MIMAROPA, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at CARAGA Region.
Aabot na sa 10,182 magsasaka ang apektado ng tuloy-tuloy na malalakas na pag-uulan.
Abot sa 3,049 metriko tonelada ng produksyon ang nasira mula sa 15,566 ektarya ng taniman.
Kabilang sa mga nasira ay mga palayan, mais, high value crops, livestock at poultry.
Pinakamalaki ang napinsala sa palayan na aabot sa ₱297.4 milyon habang ₱16.1 milyon naman sa mais.
Facebook Comments