Umaabot na sa ₱746.5 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa shear line.
Kabilang sa mga naapektuhan ay ang MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at CARAGA Region.
Aabot na sa 36,307 magsasaka ang apektado ng tuloy-tuloy na malalakas na pag-uulan.
Abot sa 14,158 metriko tonelada ng produksyon ang nasira mula sa 41,721 ektarya ng taniman.
Kabilang sa mga nasira ay mga palayan, mais, high value crops, livestock at poultry.
Asahang tataas pa ang halaga ng pinsala habang nagpapatuloy ang validation sa mga apektadong lugar.
Tiniyak naman ng Department of Agriculture (DA) na makatatanggap ng ayuda ang mga naapektuhang magsasaka.
Facebook Comments