Umabot na sa P11.83 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura ang iniwan ng Bagyong Aghon sa mga rehiyon ng CALABARZON at MIMAROPA.
Daan-daang ektarya ng palayan ang sinira at libo-libong tonelada ng palay at gulay ang nasira.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), 84 na ektarya ng sakahan ang lubog sa baha at 155 ektarya ang bahagyang nasira.
Nasa 430 metriko tonelada ng palay at 57 metriko tonelada ng high value crops ang hindi na maani.
Sa kabila nito, puspusan ang pagkilos ng DA para matulungan ang mga magsasaka.
Naka pre-position na ang mga binhi at gamot para sa mga alagang hayop.
Patuloy din ang monitoring at assessment ng ahensya sa mga nasalantang lugar.
Facebook Comments