Halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng Bagyong Florita, umabot na ng Php 1.13-B

Sumampa na sa P1.13 billion ang halaga ng pinsala ng Bagyong Florita sa sektor ng agrikultura.

Sa report ng Department of Agriculture – Disaster Risk Reduction & Management Office (DA-DRRMO), nasa 6,647 ang bilang ng mga magsasaka na naapektuhan.

Naitala ang mga pinsala sa Cordillera Administrative Region, Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon at Bicol Region.


Nasa 628 ektaryang lupain ang naapektuhan ng pagbaha ha habang nasa 66,647 metric tons ang nasirang produksyon.

Kabilang sa mga lubhang napinsala ay ang palay, mais, high value crops, mga livestock at poultry.

Inaasahang lolobo pa ang halaga ng pinsala kapag nakalap na ng mga field office ang mga impormasyon mula sa iba pang rehiyong naapektuhan ng bagyo.

Pagtitiyak ng DA, may nakahanda na rin silang ipapamahaging tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments