Umakyat na sa ₱583.45 milyon ang halaga ng pinsala ng Bagyong Maymay at Neneng sa sektor ng agrikultura.
Sa report ng Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction Management Operations (DA-DRRMO) Center, nasa 21,324 ang bilang ng mga magsasaka na naapektuhan.
Naitala ang mga pinsala sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region at Cagayan Valley.
Nasa 21,986 ektaryang lupain ang naapektuhan ng pananalasa ng dalawang magkasunod na bagyo habang nasa 36,873 metric tons ang nasirang produksyon.
Kabilang sa mga lubhang napinsala ay ang palay, mais at mga high value crops.
Inaasahang lolobo pa ang cost of damage kapag nakalap na ng mga field office ang mga impormasyon mula sa iba pang rehiyong naapektuhan ng bagyo habang patuloy pa ang isinasagawang assessment ng DA sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad .
Pagtiyak ng DA na may nakahanda na rin silang ipamamahaging tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.