Halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng Bagyong Odette, lumobo na sa ₱11.5-B

Lumobo pa sa ₱11.5-B ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng Bagyong Odette batay sa huling tala ng Department of Agriculture- Disaster Risk Reduction and Management Office (DA-DRRMO) Operations Center.

Partikular ito sa Calabarzon, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN at CARAGA.

Mahipit 257,672 metric tons ng produksyon ang nasira dahil sa bagyo matapos mapinsala ang nasa 435,447 hectares ng agricultural areas.


Kabilang sa mga napinsala ay ang palayan, maisan, mga high value crops at iba pang pananim, palaisdaan at livestock.

Aabot naman sa 405,921 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.

Aabot naman sa ₱2.9 billion ang available assistance na nakahandang ipagkaloob ng kagawaran para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments