Halaga ng pinsalang dulot ng pag-uulan sa imprastraktura at agrikultura, patuloy na lumolobo

Lalo pang tumaas ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura dulot ng naranasang pag-uulan sa ilang rehiyon sa bansa.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules, December 28.

Ayon sa NDRRMC, umakyat na sa ₱20.8 million ang pinsala sa imprastraktura sa Region 4-B, 5, 10 at CARAGA.


Samantala, nasa kabuuang ₱63.8 million naman ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa kapareho ring rehiyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang damage assessment ng NDRRMC kung kaya’t posible pang lumobo ang nasabing halaga ng pinsala.

Facebook Comments