Halaga ng pinsalang dulot ng sama ng panahon sa imprastraktura, agrikultura at irigasyon, patuloy na lumolobo

Lalo pang tumaas ang halaga ng pinsala sa imprastraktura, agrikultura at irigasyon ng pag-ulan dulot ng naranasang shearline sa ilang rehiyon sa bansa.

Base sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, umakyat na sa P1.1 billion ang pinsala sa imprastraktura sa MIMAROPA, Regions 5, 10, 11 at CARAGA.

Samantala, nasa kabuuang P232 million naman ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa kapareho ring rehiyon.


Habang nasa mahigit P2M naman ang iniwang pinsala ng sama ng panahon sa irigasyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang damage assessment ng NDRRMC kung kaya’t posibleng lalo pang lumaki ang nasabing halaga ng pinsala.

Facebook Comments