Halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Goring sa sektor ng Agrikultura, umabot na sa mahigit ₱500 Million

Umabot na sa ₱504.4 million ang halaga ng iniwang pinsala sa sektor ng Agrikultura ng bagyong Goring.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), mula ito sa mga lugar na napinsala ng bagyo sa Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at Western Visayas.

Umabot naman na sa 11,965 na magsasaka ang naapektuhan ng bagyo.


Habang nasa 21,134 metric tons na mga pananim ang napinsala mula sa higit 19,000 na ektarya at lupain.

Kabilang sa mga napinsalang pananim ay palay, mais, high value crops st livestocks.

Patuloy ang assessment ng DA sa pamamagitan ng kanulang Regional Field Office para matukoy ang kabuuang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyo sa Agriculture at Fishery Sector (AFS).

Facebook Comments