Kumpiyansa ang Department of Finance na lalakas ang halaga ng piso kontra dolyar sa Christmas Season.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto, posibleng maglalaro na lamang sa ₱55 ang palitan ng piso sa dolyar sa pagtatapos ng taon.
Oras na lumakas aniya ang halaga ng piso, ay mas makakatipid din ang bansa sa importasyon at makatutulong ito sa pagpapahupa ng inflation.
Ayon pa kay Recto, nasa downward trend na rin ang galaw ng inflation sa bansa.
Batay sa pinakahuling tala, nasa 3.3% ang inflation noong Agosto at maaari pa aniya itong maibaba sa 2.1 hanggang 2.5 sa katapusan ng Setyembre.
Facebook Comments