Muling bumalik sa 54 level ang halaga ng piso kontra dolyar matapos ang dalawang araw na pananatili sa 55 level.
Sa impormasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nagsara ang palitan ngayong araw sa 54.651 kada 1 dolyar.
Ito ang pinakamataas na halaga ng piso magmula noong June 24, 2022 kung kailan naitala ang 54.491 na palitan ng piso at dolyar.
Ang paghina o paglakas ng halaga ng piso ay malaki ang epekto sa bayarin sa utang panlabas ng bansa bukod sa exportation at importation at bayarin sa mga serbisyo tulad ng tubig at kuryente.
Facebook Comments