Muling nakapagtala ng all-time low record ang halaga ng piso kontra dolyar matapos magsara ito sa 57.43 kahapon, September 16.
Mas mahina ito kumpara sa naitalang 57.18 pesos nitong September 8.
Ayon sa mga ekonomista, bunsod ito ng patuloy na pagpapalakas ng US Federal Reserve ng kanilang interest policy upang maiwasan ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Inirekomenda naman ng mga ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maging agresibo na rin sa pagsuporta sa ating pananalapi.
Nakatakda namang magsagawa ng policy-setting meeting ang BSP sa darating na September 22.
Facebook Comments