Bumaba pa ang purchasing power ng piso o kakayahan nitong makabili ng produkto, kasunod ng pagtaas ng inflation rate noong Oktubre.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ang halaga ng piso noong 2018 ay katumbas na lamang ng 85 centavos ngayon, na mas mababa kumpara 86 centavos na halaga ng piso noong Hulyo.
Matatandaang nitong Oktubre ay bumilis pa sa 7.7% ang inflation rate, mula sa 6.9% noong Setyembre, dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga pagkain, pamasahe, gasolina at iba pang bilihin.
Pinakamataas ito sa loob ng 14 na taon o mula nang naitala ang 7.8% na inflation rate noong Disyembre 2008 sa kasagsagan ng global financial crisis.
Facebook Comments