Nasa P478.85 million ang naipamahaging halaga ng presidential assistance ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga naapektuhan ng El Niño sa Mindanao.
Batay sa pinakahuling datos ng Presidential Communications Office (PCO), tig-P100 million ang naipagkaloob na tulong sa mga taga Zamboanga, Sultan Kudarat at General Santos.
Habang nasa higit P88 million naman ang naihatid na tulong sa Iligan City at P90 million sa Cagayan de Oro.
Ang mga nasabing halaga ay natanggap ng 47,885 na mga benepisyaryo sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families.
Samantala, ngayong araw, ay nag-iikot din ang pangulo sa South Cotabato at Zamboanga del Norte para mamahagi ng Certificates of Land Ownership sa mga magsasaka.
Facebook Comments