Halaga ng tatanggaping regalo, diskresyon na ng mga pulis ayon sa Malakanyang

Discretion na ng mga pulis o sundalo kung tatanggapin o hindi ang anumang bagay na ibinigay sa kanila ng sinumang indibidwal na kanilang natulungan.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo  na may exemption naman sa batas at nakalagay na pwedeng tumanggap basta nominal o maliit lamang ang halaga at hindi ito hiningi, pwersahang kinuha o kaya ay mula sa kotong, kapalit ng kanilang serbisyo.

 

Aminado si Panelo na tiyak namang mayroon talagang tumatanggap ng ganitong mga regalo subalit sa paraang hindi naman ito kalakihang halaga.


 

Sakali man aniyang may magreklamo laban sa pulis na tumanggap ng regalo, bahala na ang korte na tumukoy o magdetermina kung may nalabag ang pulis sa ginawa nitong pagtanggap ng anumang bagay.

 

Matatandaang inihayag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kalokohan lamang ang Anti Graft Law, dahil pwede namang tumanggap ng regalo ang mga pulis basta hindi ito sa paraang suhol.

Facebook Comments