Halaga ng ticket para sa Sea Games, ipapaubaya na ni PRRD sa mga Organizer

Nasa kamay na ng mga Organizer kung magkano ang ticket para sa 30th Southeast Asian Games.

Ito ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang panawagan ng isang labor group na gawing libre ang ticket upang masaksihan ng lahat lalo na ng mga manggagawa at kanilang pamilya ang Biennial Sports Meet.

Ayon sa Pangulo, gugustuhin man niyang gawing libre ang tiket ngunit hindi niya ito pwedeng pagdesisyunan.


Aniya, posibleng mawalan ng panggastos sa ilang Miscellaneous Expenses.

Kailangan niyang maging patas sa mga organizers.

Ang tickets para sa Sea Games ay pwedeng bilhin online o on-site.

Ang Opening Ceremony na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan bukas ay nagkakahalaga ng 1,000 hanggang 12,000 Pesos.

Facebook Comments