Halaga ng tulong na naipamahagi ng DSWD sa Cagayan at Isabela, umabot na sa P125-M

Umabot na sa P125 million ang halaga ng naipaabot na relief assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Partikular dito ang mga naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela.

Kabilang sa mga naipamahagi ay family food packs at non-food items.


Aabot sa 3.7 million na mga indibiwal ang naapektuhan ng paghagupit ng bagyo.

34,000 na katao naman ang sumisilong ngayon sa evacuation centers.

Facebook Comments