Halaga ng tulong sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Mt. Kanlaon, umabot na sa mahigit P33-M

Nasa mahigit P33 million na ang tulong na naipaabot ng pamahalaan sa mga pamilyang naapektuhan ng aktibidad ng Mt. Kanlaon sa Negros Island.

Mula sa nabangggit na halaga, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), P24.2-M ang naipagkaloob na tulong sa 4, 194 families sa Negros Occidental.

Habang P8.8-M naman ang naipamahaging tulong ng pamahalaan sa 4,698 families sa Negros Oriental.


Iniulat din ng NDRRMC na mayroon pang 833 families na mga indibidwal o katumbas ng 2, 823 families ang nananatili pa sa 5 evacuation centers sa La Castellana sa Negros Occidental.

Facebook Comments